Ang Iyong Kapaligiran at ang Iyong Pamilya
Tungkulin ng isang bagong Muslim sa sandaling siya ay yumakap sa Relihiyong Islam na kanyang patibayin ang kanyang mga pakikipag-ugnayan at kanyang pabutihin ang kanyang pakikitungo at pag-uugali sa lahat ng kanyang mga kakilala at mga kamag-anak, maging mga Muslim o bukod sa kanila. Samakatuwid, ang Islam ay hindi nag-aanyaya tungo sa paglayu-layo at paghihiwalay mula sa mga kamag-anak o mga malalapit na tao.
At ang pagmamagandang-loob sa mga tao at magandang pakikitungo sa kanila ay isa sa pinakamahusay pamamaraan ng pagpapakilala at pag-aanyaya sa pananampalatayang Islam na siya ring dahilan ng pagkasugo sa Kanyang marangal na Sugo ﷺ upang gawing ganap ang kagandahang asawa at pag-uugali.
At ang ating mga kasambahay at pamilya, sila ang unang dapat pakitaan ng magandang pag-ugali, pagpaparaya at marangal na pakikipag-ugnayan. (Tunghayan ang pahina: 243)
At ito ang ilan sa mga Islamikong alituntunin na kakailanganin ng bagong Muslim sa kanyang pamilya.
Ang pamilya pagkaraang yumakap sa Islam
Kapag yumakap sa Islam nang sabay ang mag-asawa:
• Kapag yumakap sa Islam ang mag-asawa nang sabay, ang bisa ng kanilang kasal ay mananatili nang hindi nangangailangan ng pagbabago sa kasunduan ng kasal.
Nguni’t hindi kabilang dito ang mga kalagayang sumusunod:
- Kung siya ay kinasal sa isa sa kanyang mga Mahram, [o bawal pakasalan] tulad ng kanyang ina, o kapatid na babae, o tiyahin sa kanyang ama, o tiyahin sa kanyang ina, kinakailangang sila ay paghiwalayin sa oras ng kanilang pagyakap sa Islam. (Tunghayan sa pahina: 173).
- Kapag siya ay kinasal sa isang babae at sa kapatid na babae nito, o sa isang babae at sa tiyahin nito sa ama, o sa isang babae at tiyahin nito sa ina. Dapat niyang hiwalayan ang isa sa kanila.
- Kapag siya ay yumakap sa Islam, kasama ng kanyang mga asawa, at ang kanyang mga asawa ay higit sa apat na babae: Sa gayon hindi ipinahihintulot sa kanya na panatilihin ang higit sa apat, samakatuwid siya ay nararapat na pumili ng apat mula sa kanila at hihiwalayan ang ibang natitira.

