Al-Hijab (Ang Pagsusuot ng Takip)

Al-Hijab (Ang Pagsusuot ng Takip):

Ipinag-uutos ng Allah ang Hijab (pagsusuot ng takip) sa babae at hindi sa lalaki, sa dahilang ang babae ay nauugnay sa mga aspeto ng kagandahan at ng tukso, na naghahatid sa mga kalalakihan na makagawa ng gma gawaing makasalanan.
At katotohanang isinabatas ng Allah ang Hijab para sa ilang mga layunin, ang ilan dito:
• Upang kanyang malayang maipatupad ang kanyang mabubuting mithiin sa buhay at sa komunidad sa iba’t ibang larangan ng agham at pag-aaral sa magandang pamamaraan kaalinsabay ng pangangalaga sa kanyang karangalan at kalinisang-puri.
• Upang kanilang masugpo ang mga oportunidad ng tukso at kaguluhan sa gayong ay kanilang matiyak ang kalinisan ng pamayanan sa isang dako, at mapangalagaan ang karangalan ng babae sa kabilang dako.
• Upang kanilang matulungan ang mga kalalakihang tumitingin sa babae na magkaroon ng pagpigil sa kanilang mga sarili at sa gayon sila ay pakikitunguhan nang may paggalang at may karangalan at hindi sila ituring bilang isang kasangkapan nang-aakit at nanunukso sa mga kalalakihan.

Ang Mga Hangganan ng Hijab (pagsusuot ng Takip):

Ipinag-utos ng Allah [bilang tungkulin] para sa babae na makikipagharap ng mga di kaanu-anong kalalakihan na takpan ang lahat ng kanyang katawan maliban sa kanyang mukha at mga kamay. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {At huwag nilang iladlad ang kanilang palamuti [ganda] maliban sa [kailangang] ilitaw }. Surah An-Nur (24): 31
At ang kung ano ang marapat na nakalitaw: ito ay ang mukha at ang mga kamay, maliban kung may tukso sa paglalantad ng mukha at mga kamay, magkagayon sa sandaling iyon ay ipinag-uutos ang pagtatakip dito.

Naglagay ang Islam ng mga batas na magpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae.

Ang Mga Patakaran ng Hijab na pantakip:

Ipinahihintulot sa babae na magsuot ng anumang nais niyang kulay sa Hijab ayon sa mga sumusunod na patakaran:

  1. Na ang Hijab ay nararapat na matakpan nito ang mga bahagi ng katawan na sadyang kailangang matakpan sa publiko.
  2. Na ito ay nararapat na maluwag at hindi masikip [o nahahapit] upang huwag na hindi mababanaag ang hubog ng katawan.
  3. Na ito ay hindi manipis na nababanaag ang hubog [at loob] ng katawan.