Ang Kababaang-loob (Ilan sa Mga Larawan ng Talambuhay ng Propeta ﷺ at Kanyang Pag-uugali)

Ilan sa Mga Larawan ng Talambuhay ng Propeta ﷺ at Kanyang Pag-uugali

Siya – [sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan] ang siyang huwaran sa mga tao sa pag-uugali.

 

Ang Sugo ng Allahﷻ ay isang halimbawa sa pinakamatayog na makataong pag-uugali, at dahil dito, inilarawan ng Qur’an ang kanyang pag-uugali bilang isang dakilang pag-uugali, at walang paglalarawan na natagpuan ang kanyang asawa na si Aishah – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], nang higit na naaangkop sa paglalarawan tungkol sa kanyang pag-uugali, kaya siya ay nagsabi: (Ang kanyang ugali ay ang Qur’an). Ibig sabihin ay isang praktikal na halimbawa ng pagpapatupad sa mga katuruan ng Qur’an at ugali nito.

Ang Kababaang-loob:

  • Hindi kinalulugdan ng Sugo ng Allah ﷻ ang sinumang tumitindig sa kanya bilang pagdakila sa kanyang pagkatao, bagkus ito ay kanyang ipinagbabawal sa kanyang mga kasamahan na gawin ito; maging ang mga Sahabah (kasamahan niya) – [sumakanila nawa ang lugod ng Allah], sa tindi ng kanilang pagmamahal sa kanya, ay hindi tumitindig para sa kanya kapag siya ay kanilang nakikitang paparating, at ito ay walang dahilan kundi dahil sa kanilang nalalaman na ito ay tunay na kanyang kinasusuklaman. (Ahmad; 12345 – Al-Bazzar: 6637)
  • Dumating sa kanya si Uday ibn Hatim – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], siya ay bagong yakap sa Islam, at siya ay isa sa mga taong kilala ng mga arabo, na nagnanais malaman ang katotohanan ng kanyang Da`wah (pag-aanyaya), si Uday ay nagsabi: “Dumating ako sa kanya [sa Sugo ng Allah] at naroroon sa kanya ang isang babae at dalawang batang lalaki [o isang batang lalaki] – at nabanggit ng mga ito sa akin ang pagiging malapit nila sa Sugo ng Allah ﷻ – kaya aking napatunayan na siya ay hindi [katulad ng] hari ng Chosroes, na si Cesar (Caesar)”. (Ahmad: 19381). Samakatuwid, ang kababaang-loob ay isang tanda ng pag-uugali ng lahat ng mga Propeta.
  • Siya ay umuupong kasama ng kanyang mga kasamahan na wari bang siya ay isa lamang karaniwan sa kanila, at wala siyang inupuang isang pagtitipon na siya ay naiiba [o natatangi] sa sinumang nasa kanyang paligid, maging ang isang estranghero na hindi nakakakilala sa kanya, kapag pumasok sa isang pagtitipon na siya ay naroroon, ay hindi niya magagawang bigyan ng kaibahan ang Sugo ng Allah sa pagitan ng kanyang mga kasamahan, ito ay nagtatanong: Sino sa inyo si Muhammad? (Al-Bukhari: 63)
  • Si Anas ibn Malik – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], ay nag-ulat. Siya ay nagsabi: “Ang isang babaing alipin mula sa mga alipin ng mga mamamayan ng Madinah ay lagi nang kinukuha ang kamay ng Sugo ng Allah ﷻ , at siya ay dinadala nito saan man niya nais”. (Al-Bukhari: 5724). At ang ibig sabihin ng pagkuha sa kamay ay ang kanyang kagandahang-loob at kanyang pagiging mabait sa mga maliliit at mahihinang tao, at sa katunayan binigbigyang-diin nito ang mataas na antas ng kanyang kababaang-loob ; dahil sa kanyang pagbanggit ng babae sa halip na lalaki, at ng alipin sa halip na malayang tao, at siya [s.w.s] ay dinadala nito [ng alipin] saanman niya nais upang tulungan sa kanyang mga pangangailangan.
  • Sinabi niya  : “Hindi makakapasok sa Paraiso ang sinumang sa kanyang puso ay mayroong pagmamalaking kasing bigat ng [isang butil ng] mais ”. (Muslim: 91)