Ang Kahulugan ng Taharah (Kadalisayan at Kalinisan)

Ipinag-uutos ng Allah sa isang Muslim ang paglilinis niya sa kanyang kalooban [isip, kaluluwa, puso] mula sa Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at mula sa mga sakit ng mga puso [tulad ng pagkukunwari, galit at paninibugho], gayundin ang paglilinis sa kanyang panlabas [na bahaging pisikal] mula sa mga karumihan at mga kasalaulaan.

Ang Kahulugan ng Taharah ay nagpapahiwatig ng Kadalisayan, Kabanalan, Kalinisan at Kawagasan.

At katotohanang ipinag-utos ng Allah – [ang Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan], sa mga Muslim ang paglilinis sa kanilang mga sariling panlabas [na katawan] at sa lahat ng uri ng mga pisikal na karumihan, at gayundin ang kanilang panloob [na katawan] mula Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at maging sa mga sakit ng puso, tulad ng inggit, pagmamalaki at matinding galit [poot], kaya kapag naisakatuparan nila ang mga ito, sila ay magiging karapat-dapat sa pagmamahal ng Allah.
Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanang ang Allah ay nagmamahal sa mga nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa mga nagpapadalisay [ng kanilang mga sarili}. Surah Al-Baqarah (2): 222

At ipinag-uutos ng Allah [bilang tungkulin] ang paglilinis para sa pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal), sapagka’t ito ay nagsisilbing oras ng [tuwirang] pakikipagharap at pagsusumamo sa Allah – ang Tigib ng Kaluwalhatian]. At sa kasaysayan, ang tao ay likas na kilala [bilang isang nilikhang] naglilinis at nagsusuot ng kanyang pinakamagandang damit kapag siya ay nakikipagharap sa isang hari o pinuno. Magkagayon nga, paano pa kaya ang kanyang gagawin sa kanyang pakikipagharap sa Dakilang Diyos na Siyang Hari ng mga hari, ang Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan?

Ano ang hinihiling na kalinisan [na dapat tuparin at gampanan] para sa Salaah (pagdarasal)?

Ang Kahulugan ng Taharah ay nagpapahiwatig ng Kadalisayan, Kabanalan, Kalinisan at Kawagasan.

At katotohanang ipinag-utos ng Allah – [ang Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan], sa mga Muslim ang paglilinis sa kanilang mga sariling panlabas [na katawan] at sa lahat ng uri ng mga pisikal na karumihan, at gayundin ang kanilang panloob [na katawan] mula Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at maging sa mga sakit ng puso, tulad ng inggit, pagmamalaki at matinding galit [poot], kaya kapag naisakatuparan nila ang mga ito, sila ay magiging karapat-dapat sa pagmamahal ng Allah.
Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanang ang Allah ay nagmamahal sa mga nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa mga nagpapadalisay [ng kanilang mga sarili}. Surah Al-Baqarah (2): 222

At ipinag-uutos ng Allah [bilang tungkulin] ang paglilinis para sa pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal), sapagka’t ito ay nagsisilbing oras ng [tuwirang] pakikipagharap at pagsusumamo sa Allah – ang Tigib ng Kaluwalhatian]. At sa kasaysayan, ang tao ay likas na kilala [bilang isang nilikhang] naglilinis at nagsusuot ng kanyang pinakamagandang damit kapag siya ay nakikipagharap sa isang hari o pinuno. Magkagayon nga, paano pa kaya ang kanyang gagawin sa kanyang pakikipagharap sa Dakilang Diyos na Siyang Hari ng mga hari, ang Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan?

 

Ano ang hinihiling na kalinisan [na dapat tuparin at gampanan] para sa Salaah (pagdarasal)?
Ipinag-uutos ng Allah sa isang Muslim ang Islamikong paglilinis – sa partikular na kahulugan – ang pangangailangan [bilang tungkulin na dapat tuparin], kapag nais niyang magsagawa ng Salaah o humawak ng Qur’an o maglakad [mag-tawaf] sa palibot ng marangal na Kaabah. At iminumungkahi [o ipinanghihikayat din] ito bilang isang kalugud-lugod na gawain sa maraming kalagayan, ang mga ilan dito ay: sa pagbabasa ng Qur’an na walang hawak na sapin sa naturang Kasulatan, sa [mga oras ng] panalangin, sa pagtulog at sa iba pang pagkakataon.
Kaya [bilang tungkulin] kinakailangan para sa isang Muslim na kapag nais niyang magsagawa ng Salaah (pagdarasal), ang paglilinis mula sa dalawang bagay:

 

An-Najasah (ang Karumihan). Ang Najasah ay nahahati sa dalawang [antas o] kalagayan.

Al-Hadath (Ang Kalagayan [o Antas ng] Karumihan].

Ang Paglilinis mula sa Najasah (Karumihan)

  • An-Najasah: Ito ay nagpapahiwatig ng mga bagay na nakikita [o nasasalat o nararamdamang] na itinuring ng Batas ng Islam bilang marumi, [o masagwa, salaula, mahalay, malaswa at di-malinis] kaya naman tayo [bilang Muslim] ay inutusang maglinis [magtanggal] nito bago magsagawa ng Ibaadah (iba’t ibang uri ng gawaing pagsamba).
  • At ang lahat ng bagay ay itinuturing na likas na malinis [o dalisay], at ang pagiging marumi [malaswa, salaula at masagwa] ay hindi sinadyang mangyari [o nagawa]. Kaya kung tayo ay nag-alinlangan [o may agam-agam] halimbawa sa kalinisan ng isang damit samantalang wala naman tayong makitang patunay ng pagkaroon ng dumi, magkagayon [dapat na] isaalang-alang ito bilang malinis na bagay.
  • At kapag nais natin magsagawa ng Salaah (pagdarasal), itinakda sa atin [bilang tungkulin] na maglinis mula sa mga karumihan ng katawan at damit, gayundin sa lugar na pinagsasagawaan natin ng Salaah.

At ang mga bagay na marurumi [at salaula]:

1 Ang ihi ng tao at ang kanyang dumi (tae).
2 Ang dugo, bagaman ipinagpapaumanhin ang kaunting (bahid ng) dugo.
3 Ang ihi at dumi (tae) ng lahat ng hayop na ipinagbabawal kainin. (Tingnan ang pahina203)
4 Ang aso at ang baboy.
5 Ang mga patay sa mga hayop (ang tinutukoy ay ang lahat ng mga hayop na namatay, maliban sa mga ipinahihintulot na kainin kung kinatay ito sa Islamikong Pamamaraan. (Tingnan ang pahina204), samantalang ang patay na tao, mga isda at mga kulisap, tunay na ang mga ito ay malilinis.

Sapat na sa pagtanggal ng Najasah (dumi) na mawala ang mismong dumi nito sa pamamagitan ng anumang tagatanggal.

Ang paglilinis mula sa Najasah (Dumi):

Sa paghuhugas ng mga Najasah sa katawan, damit at lugar o iba pa rito – sapat na tanggalin ang mismong [bagay na nagdudulot ng] karumihan nito at ang pinagmumulan nito sa lugar na narumihan sa anupamang pamamaraan, maaari itong gawin sa pamamagitan ng paggamit ng tubig o iba pa, sapagka’t ang Allah ay nag-utos na tanggalin ito at wala Siyang kondisyong itinakda sa paghuhugas ng dumi hinggil sa partikular na bilang [ng paglilinis] maliban sa dumi ng aso (ang laway nito, ang ihi at tae nito), sapagka’t itinakda sa kondisyon dito ang [pangangailangan ng] pitong [ulit na] paghuhugas at ang isa rito ay sa pamamagitan ng lupa, samantalang ang nalalabing mga dumi ay sapat na ang pagtanggal sa mismong dumi nito at pinagmumulan nito. At walang idinudulot [na masama] ang pananatili ng kulay o ng amoy. Batay sa sinabi ng Propeta ﷺ sa isa sa mga babaing Sahabah (kasamahan) tungkol sa paghuhugas ng dugo ng regla: “Sapat na sa iyo ang paghugas sa dugo at walang idudulot [na masama] sa iyo ang bakas [ng dugo] nito”. (Abu Daud: 365)

Ang mga wastong pamamaraan o [kagandahang asal ng] Al-Istinja’ (paghuhugas ng dalawang labasan [ng ihi at dumi] sa pamamagitan ng paggamit ng tubig]:

  • Itinatagubilin bilang kaaya-ayang gawain na kapag pumasok sa palikuran ay iuna [sa paghakbang] ang kanyang kaliwang paa, at magsabing: “Bismillaah, Allaahumma inni a`udhu bika minal khubuthi wal khabaa-ith (Sa Ngalan ng Allah, O Allah, ako po ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan, maging lalaki man o babae).”
  • At kapag lumabas mula rito ay iuna [sa paghakbang] ang kanyang kanang paa, at magsabi: “Ghufranak (Hinihingi ko po ang Iyong kapatawaran).”
  • Kinakailangan [bilang tungkulin] para sa kanya ang pagtatakip sa kanyang `Awrah (bahagi ng katawan na kailangang takpan) mula sa paningin ng mga tao sa sandali ng kanyang pagdumi.
  • At ipinagbabawal sa kanya ang pagdumi [pag-ihi o pagtae] sa mga lugar na kung saan [siya] ay makapagdulot ng kapinsalaan sa mga tao.
  • Ipinagbabawal sa kanya na kung siya ay nasa parang [o disyerto] ang pagdumi sa isang lungga sa dahilang maaaring mayroong [namamahay] ditong isang hayop na maaari niyang mapinsala o siya ang mapipinsala nito [ng hayop na nasa lungga].
  • Marapat sa kanya na huwag siyang humarap sa Qiblah (sa dakong kinaroroonan ng Ka`bah sa Makkah) at huwag din siyang tumalikod dito sa sandaling siya ay nagdudumi, habang siya ay nasa parang [o disyerto] at walang bakod [o pader] na mapagkukublihan [o magtatakip] sa kanya. Magkagayon itinagubilin [bilang tungkulin para] sa kanya iyon, ayon sa sinabi niya ﷺ : “Kapag nagtungo kayo sa silid-palikuran para magdumi, huwag kayong humarap sa Qiblah at huwag din kayong tumalikod dito sa [oras ng] pag-ihi, gayundin sa pagdumi”. (Al-Bukhari: 386 – Muslim: 264)
  • Kinakailangan para sa kanya ang ibayong pag-iingat upang huwag kumapit [o dumapo] sa kanyang damit at katawan ang anumang duming nagsisiliparan, at kinakailangan niyang hugasan ang anumang kumapit [o dumapo] sa kanya mula rito.
  • At kapag siya ay nakapagdumi na, kinakailangan para sa kanya sa paglilinis ang paggamit ng isa sa dalawang bagay:
niyang linisin ang bahagi ng ihi at dumi [na tumilamsik o kumapit] sa kanyang katawan sa pamamagitan ng tubig (ito ay tinatawag na Al-Istinja’).

O


ito ay kanyang linisin nang tatlong ulit o higit pa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamunas [papel] o mga bato at ng anumang nakakatulad nito na nakapaglilinis sa katawan at nakapaglilinis nito mula sa mga karumihan (at ito ay tinatawag na Istijmar).

Al-Hadath (Ang Kalagayan [o Antas ng] Karumihan):

  • Ang Hadath ay tumutukoy sa isang kalagayan o antas ng karumihan na hindi nakikita [o hindi nasasalat at nahihipo] na pumipigil sa isang Muslim upang siya ay makapagsagawa ng Salah (pagdarasal) malibang ito ay kanyang alisin sa pamamagitan ng paglilinis, at ito ay hindi isang bagay na [pisikal o] nakikita tulad ng Najasah (karumihan).
  • At ang Hadath [Kalagayan ng karumihan] ay natatanggal mula sa isang Muslim kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu’ (paghuhugas) o naligo sa pamamagitan ng tubig na Tahur (likas na malinis). At ang tubig na Tahur – ito ay tubig na hindi nahaluan ng Najasah (karumihan) at walang [anupamang masamang] idinudulot ang kulay nito, ang lasa nito at ang amoy nito.

At ang Hadath [Kalagayan ng Karumihan] ay nahahati sa dalawang antas:

 
Hadath na nangangailangan sa tao ng pagsasagawa ng Wudhu’ upang ito ay matanggal mula sa kanyang sarili, at tinatawag natin itong (Hadath Asgar o maliit na antas ng karumihan].
Hadath-Akbar – nangangailangan sa tao ng pagsasagawa ng ganap na paliligo at pagbabasa ng kanyang buong katawan ng tubig upang ito ay matanggal sa kanyang sarili, at tinatawag natin itong (Hadath-Akbar o malaking antas ng karumihan).

Ang Hadath Asgar (maliit na antas ng karumihan) at ang [pangangailangan ng] Wudhu’:

Nawawala ang bisa ng Tahara [kalinisan at kadalisayan] ng isang Muslim kaya kinakailangan sa kanya na magsagawa ng Wudu’ (paghuhugas) para sa Salah (pagdarasal) kapag nangyari sa kanya ang isa sa mga sumusunod na nakapagpawalang-bisa:

  1. Ang ihi at dumi (tae) at ang lahat ng mga lumalabas mula sa dalawang pinaglalabasan nito, tulad ng pag-utot. Ang Allah ay nagsabi tungkol sa pagbanggit sa mga nakapagpawalang-bisa sa Taharah (kalinisan at kadalisayan): {O ang isa sa inyo ay nanggaling mula sa palikuran}. An-Nisa’ (4): 43
     
    At siya May Allah be pleased with him ay nagsabi sa sinumang nag-aagam-agam kung may Hadath [naganap na karumihan] sa kanya sa pagdarasal: “Siya ay hindi [dapat] umaalis hanggang makarinig siya ng tunog at kanyang maramdaman ang [paglabas ng] hangin (o ang pag-utot)”. (Al-Bukhari: 175 – Muslim: 361)
  2. Ang paghaplos sa maselang bahagi ng katawan nang walang sapin. Sapagka’t katotohanan, siya May Allah be pleased with him ay nagsabi: “Sinuman ang humaplos ng kanyang ari ay nararapat magsagawa ng [panibagong] Wudu’ (paghuhugas)”. (Abu Daud: 181)
  3. Ang pagkain ng karne ng kamelyo, at sa katunayan, ang Propeta ﷺ ay tinanong: “Kami ba ay [nararapat] magsagawa ng Wudhu’ dulot ng [pagkain ng] karne ng kamelyo? Siya ay nagsabi: “Oo”. (Muslim: 360)
  4. Ang pagkawala ng malay sanhi ng pagkatulog, pagkabaliw o pagkalasing.