Ang Kataimtiman (at Pagpapakumbaba) sa Salaah

Ang Kataimtiman (at Pagpapakumbaba) sa Salaah

Ang kataimtiman [at pagpakumbaba sa Salaah ang siyang katotohanan ng Salaah at pinakadiwa nito, at ang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng puso sa harapan ng Allah sa Salaah sa pamamagitan ng kataimtiman at pagpapakumbaba, nadarama kung ano ang binibigkas na mga aayat (Talata ng Quran), mga Du`a (panalangin) at mga Dhikr (paggunita at pagpuri sa Allah).

At ito ay isa sa pinakamainam na Ibaadat (mga gawaing pagsamba) at pinakadakila sa mga gawaing pagsunod; at dahil dito binigyang-diin ng Allah sa Kanyang Aklat na ito ay isa sa mga katangian ng mga naniniwala. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanang ang mga naniniwala [mga Muslim] ay nagtatagumpay, sila yaong may kataimtiman at pagpapakumbaba sa kanilang Salaah (pagdarasal)}. Al-Mu’minun (23): 1-2

At sinumang mataimtim sa pagsasagawa ng Salaah, ay kanyang nalalasap ang kasiyahan ng Ibaadah (pagsamba) at Iman (paniniwala). At dahil dito ang Sugo ng Allah r ay nagsasabi: “At ginawa itong Qurratu `ayni (kasiyahan sa aking mga mata) sa Salaah”. (An-Nisai: 3940)

Ang Qurratul `ayn ay nangangahulugan ng lubos na kagalakan, kaligayahan, katahimikan at kasiyahan.

Ang mga pamamaraan na nakatutulong sa Kataimtiman ng Salaah:

May maraming pamamaraan na nakatutulong sa kataimtiman sa pagsasagawa ng Salaah, ang mga ilan dito:

  1. Ang paghahanda para sa Salaah ng mga nararapat na kailangan.

At magaganap ito sa pamamagitan ng maagang pagtungo rito sa Masjid para sa mga kalalakihan, at ang pagsasagawa sa mga kusang-loob na Salaah nauuna sa takdang Salaah, at pagsusuot ng magaganda at malilinis at angkop na damit, at ang paglalakad tungo rito sa pamamagitan nang mahinahon at panatag.

  1. Ang pag-iwas mula sa mga Gawain o bagay na nakakagambal at nakakaabala:

Samakatuwid, hindi dapat magsagawa ng Salaah habang nasa kanyang harapan ang anumang nakakaabala sa kanya tulad ng mga larawan at mga bagay na nakakagambala, o habang siya ay nakaririnig ng anumang tinig na nakakaabala sa kanya, at huwag siyang magtangkang magsagawa ng Salaah habang siya ay nangangailangan ng palikuran, o siya ay nagugutom o nauuhaw dahil sa paglapag sa pagkain at inumin, at lahat ng ito ay upang maging maliwanag ang isipan ng taong nagsasagawa ng Salaah at magpakumbaba sa isang napakadakilang bagay na kanyang haharapin, at ito ay ang kanyang pagdarasal at pagdalangin nang taimtim sa kanyang Panginoon.

  1. Ang Kapanatagan sa Salaah:

At sa katunayan, ang Propeta r ay lagi nang nagpapanatag sa kanyang Ruku` (pagyukod) at Sujud (pagpapatirapa) hanggang sa ang lahat ng buto ay bumalik sa kinalalagyan nito, at kanyang inuutusan ang sinumang hindi nagsasaayos ng Salaah na maging mataimtim sa lahat ng mga galaw o kilos sa pras ng Salaah, at kanyang ipinagbawal ang pagmamadali, bagkus inihalintulad niya ito sa pagtuka ng isang uwak.

At ang Propeta r ay nagsabi: “Ang pinakamasamang pagnanakaw ay ang nagnanakaw sa kanyang Salaah”, sila ay nagsabi: O Sugo ng Allah, at paano nga ba siya nakakapagnakaw sa kanyang Salaah? Siya ay nagsabi: “Ito ay bunga ng hindi niya paggaganap sa kanyang Ruku` at sa kanyang Sujud [nang walang kataimtiman]”. (Ahmad: 22642)

At ang isang hindi napapanatag sa kanyang pagdarasal ay hindi maaaring magkaroon ng kataimtiman; sapagka’t ang pagmamadali ay nag-aalis ng kapakumbabaan, at ang katulad ng pagtuka ng uwak ay nag-aalis ng gantimpala.

  1. Ang pagpapairal ng pagdakila sa sinumang tumatayo sa Kanyang Harapan:

Kaya kanyang maaalaala ang Kadakilaan ng Tagapaglikha at Kanyang Kaluwalhatian, gayundin ang kahinaan ng kanyang sarili at kababaan nito, at na siya ay titindig sa harapan ng kanyang Panginoon, dumudulog sa Kanya at nananalangin sa Kanya bilang aliping nagpapakumbaba, nagpapahabag, at kanyang maaalaala ang anumang ipinangako ng Allah sa mga naniniwala na gantimpala at anumang ipinangako Niya sa mga Mushrik (nagtatambal sa Kanya) na kaparusahan, at maaalaala niya ang kanyang magiging katayuan sa harapan ng Allah sa Huling Araw.

Kaya kapag napairal ito ng isang naniniwala sa kanyang Salaah, siya ay magiging katulad ng mga inilarawan ng Allah sa Kanyang Aklat: mula sa lipon ng mga yaong nag-iisip na kanilang makakaharap ang kanilang Panginoon. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At tunay na ito ay sadyang mabigat at mahirap maliban sa mga (tao na) may takot (sa Allah), sila yaong lagi nang nag-iisip na tunay ngang kanilang makakaharap ang kanilang Panginoon at sa Kanya sila ay magbabalik}. Al-Baqarah (2): 45-46

At kapag marubdob ang pagsasagawa ng Salaah, ang Allah ay nakaririnig sa kanya, nagkakaloob at tumutugon sa kanya, magaganap sa kanya ang kataimtiman ayon sa sukat ng kanyang pagiging marubdob.

  1. Ang pagmumuni sa mga binibigkas na mga Ayat (Talata) at iba pang mga Dhikr sa Salaah at ang pagiging masigasig rito:

Ang Qur’an ay ibinaba upang mapagmuni-muni: {(Ito ang) isang Aklat (Qur’an) na Aming ibinaba sa iyo na tigib ng biyaya, upang sila ay makapagmuni-muni sa mga Talata nito, at upang makaalaala ang mga may pang-unawa}. Sad (38): 29

At hindi maisasakatuparan ang pagmumuni-muni maliban sa pamamagitan ng pagkaroon ng kaalaman sa kahulugan ng mga nababasa na mga ayaat (Talata), mga Dhikr (paggunita) at mga Du`a (panalangin), kaya sa sandaling iyon magkakaroon siya ng kakayahang mag-isip sa kanyang kalagayan at sa kanyang kasalukuyang kinakaharap sa isang dako, at sa mga kahulugan ng naturang mga ayat at mga Dhikr sa kabilang dako, kaya magdudulot ito ng kapakumbabaan, kababaang-loob at kahinaan, at maaaring aapaw ang kanyang mga mata ng luha, at walang mga talata na dadaan sa kanya nang walang ibubungang masidhing damdamin. Batay sa sinabi ng Allah: {At yaong, kapag pinaaalahanan ng ayaat [o kapahayagan] ng kanilang Panginoon, sila ay hindi humahantong sa pagbingi-bingihan at pagbulag-bulagan. Surah Al-Furqan (25): 73