Ang Mga Kinamumuhian sa [oras ng] Salaah:
Ito ay ang mga gawain na nakapagbabawas ng gantimpala ng Salaah, at pinapawi nito ang kapakumbabaan at kataimtiman nito. At ito ay tulad ng sumusunod:
- Kinamumuhian ang paglingun-lingon habang nasa Salaah; sapagka’t ang Propeta r ay tinanong tungkol sa paglingun-lingon sa Salaah? Siya ay nagsabi: “Ito ay pagnanakaw na ninanakaw ni Satanas sa Salaah ng isang alipin”. (Al-Bukhari: 718)
- Kinamumuhian ang paglalaro sa pamamagitan ng kamay at mukha, at ang paglagay ng kamay sa baywang, at pagpilipit ng kanyang mga daliri, at pagpapalagutok nito.
- Kinamumuhian ang sinumang pumapasok sa Salaah, samantalang siya ay nagagambala ng mga bagay tulad kanyang pangangailangan upang tumugon sa tawag ng pangangailangan [pagtungo sa palikuran upang umihi o dumumi], o ang kanyang pangangailangan sa pagkain. Batay sa sinabi ng Propeta r: “Walang [dapat isagawang] Salaah kapag inilalapag na ang pagkain, at gayundin kapag siya ay nasa tawag ng pangangailangan (ang ihi at dumi)”. (Muslim: 560)