At-Tawbah (Ang Pagsisisi)

At-Tawbah (Ang Pagsisisi)

Ang pagsisisi ay pagdulog at pagbabalik-loob sa Allah, kaya ang lahat nang kumalas sa kanyang kasuwailan at kawalan ng pananampalataya at nagbalik-loob sa Allah nang buong katapatan sa kanyang puso, katotohanang siya ay nagbalik-loob sa Allah.
At ang isang Muslim ay nangangailangan ng pagbabalik-loob at paghingi ng kapatawaran sa lahat ng kalagayan ng kanyang buhay dahil ang tao ay likas na mapagkamali, kaya sa tuwing siya ay nagkakamali itinatagubilin para sa kanya na humingi ng kapatawaran sa Allah at magbalik-loob sa Kanya

Ano ang Mga Patakaran ng Wastong Pagsisisi [at Pagbabalik-loob]?

Katotohanan, ang pagsisisi ay nauukol sa lahat ng mga kasalanan, at kabilang na rito ang Kufr [Kawalan ng Paniniwala] at Shirk [Pagtatambal sa Kaisahan ng Allah]. Kinakailangan tuparin dito ang mga patakaran ng pagsisisi upang ang pagsisis ay tanggapin at maging wasto, at ang ilan sa mga patakaran nito:

  1. Ang Pagtigil [o Pagtalikod] Mula sa Mga Pagkakasala:

Kaya hindi tinanggap ang pagsisisi mula sa pagkakasala habang ang pagkakasalang ito ay patuloy na ginagawa sa oras ng pagsisisi. Sa kabilang dako, kapag kanyang inulit ang kasalanan pagkatapos ng kanyang wastong pagsisisi, magkagayun hindi mapapawalang-saysay ang kanyang naunang pagsisisi, subali’t nangangailangan siya ng panibagong pagsisisi.

  1. Ang Mataos na Pagsisisi sa Mga Naunang mga Kasalanan at Pagkakasala:

At hindi mailalarawan ang [tunay na] Tawbah (pagsisisi) maliban sa isang mataos na nagsisisi, nakakaramdam ng lungkot at humihingi ng paumanhin sa kanyang mga nagawang pagkakasala, kaya naman hindi maituturing na isang mataos na nagsisisi ang sinumang nagkukuwento ng kanyang mga naunang pagkakasala, kanyang ipinagmamalaki ito at ipinagmamayabang. At dahil dito ang Propeta ﷺ ay nagsabi: «Ang pagkakaroon ng damdamin ng pagkalungkot ay [tanda ng] pagsisisi». (Ibn Majah: 4252)

  1. Ang Matatag na Pagpapasiya na hindi na ito babalikan pa:

Kaya hindi tinatanggap ang pagsisisi ng isang alipin na nagbabalak balikan ang naturang kasalanan matapos ang kanyang pagsisisi.

Ang Mga Hakbangin Upang Mabigyan ng Katotohanan ang Matatag na Pagpapasiya:

  • Siya ay nararapat mangako sa kanyang sarili na hindi na niya babalikan ang anumang kanyang nagawang pagkakamali maging sa anupamang kalagayan at mga balakid. Sa katunayan ang Propeta ﷺ ay nagsabi: «Tatlong bagay na sinuman ang nagtataglay nito, ay katiyakang kanyang matatagpuan rito ang tamis ng Eeman [paniniwala]» at nabanggit niya ang isa rito «Ang kanyang pagkamuhing bumalik sa kawalan ng pananampalataya matapos na siya ay iligtas dito ng Allah tulad ng kanyang pagkamuhi na siya ay ihagis sa Apoy». (Al-Bukhari: 21 – Muslim: 43)
  • Ang pag-iwas sa mga tao at mga lugar na magdudulot ng kahinaan sa kanyang Eeman [paniniwala] at magsasadlak sa kanya sa pagkakasala
  • Ang madalas na panalangin sa Allah na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan – sa pagpapanatili sa Kanyang Relihiyon hanggang sa kamatayan, maging sa anumang salita at wika, at ang ilan dito ay nakasaad sa Qur’an at Sunnah:
    • {Aming Panginoon! Huwag Mong hayaan na malihis ang aming mga puso (sa katotohanan) pagkaraang kami ay Iyong mapatnubayan}. Al-`Imran (3): 8
    • «O [Allah, Ikaw ang] Tagapagbago ng mga puso, Iyong panatilihin ang aking puso sa Iyong Relihiyon». (At-Tirmidi: 2140)

Ano ang kasunod na hakbangin pagkatapos ng Tawbah (pagsisisi)?

Kapag ang isang tao ay nagsisi at nagbalik-loob, katotohanang ang Dakilang Allah ay nagpapatawad sa lahat ng mga kasalanan gaano man ito kalaki at naging sukdulan, sapagka’t ang Kanyang Habag ay sumasaklaw sa lahat ng bagay. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Sabihin: «O Aking mga alipin na nagkasala sa kanilang mga sarili! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ng Allah; sapagka’t katotohanang ang Allah ay nagpapatawad ng lahat ng mga kasalanan. Katotohanang, Siya ang Mapagpatawad, ang Mahabagin}. Az-Zumar (39): 53
Kaya pagkaraan ng makatotohanan at wastong pagsisisi ang isang Muslim ay tila isang sanggol na walang bahid na kasalanan. Bagkus, katotohanang ang Allah ay naggagawad sa mga taong matatapat, sumusunod sa Kanya nang may kapakumbabaan at nagsisisi ng tunay na pagsisisi ng isang dakilang kabutihan: Papalitan Niya ang kanilang mga kasamaan ng mga kabutihan. Batay sa sinabi Niya na Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan: {Maliban sa mga nagsisi at naniwala at gumawa ng kabutihan, papalitan ng Allah ang kanilang mga kasamaan ng kabutihan, at ang Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, Mahabagin}. Al-Furqan (25): 70
At sinuman ang ganito ang kanyang kalagayan, marapat lamang na kanyang samantalahin ang pagsasaayos ng naturang pagsisisi at gugulin ang mahahalagang bagay tungo sa kabuithang asal upang siya ay hindi mahulog sa mga patibong ni Satanas na maghahatid sa kanyang kapahamakan.

Ang Tamis ng Eeman [Paniniwala]:

Sinuman na ang kanyang pagmamahal sa Allah at sa Kanyang Sugo ay naging pinakadakilang pagmamahal para sa kanya, at ang kanyang pagmamahal sa iba ay ayon sa sukat ng kanialng pagiging malapit sa Allah at sa kawastuhan ng kanilang panniniwala at pagiging Muslim, at kanyang kinamumuhian ang pagbalik sa kung ano ang kanyang nakagawian mula sa kawalan ng paniniwala, Shirk (pagtatambal sa Allah) at pagkaligaw, tulad ng kanyang pagkamuhi na siya ay sunugin sa Apoy, sa gayon, katiyakang, kanyang matatagpuan ang tamis ng eeman [paninwala] at kasiyahan sa kanyang puso sapagkat kanyang matatagpuan rito ang lugod [o kasiyahan] ng Allah, kapanatagan at kasiyahan sa batas ng Allah at sa biyayang ipinagkaloob sa kanya sa pamamagitan ng patnubay. Batay sa sinabi niya ﷺ : «Tatlong bagay na sinuman ang nagtataglay nito ay kanyang matatagpuan rito ang tamis ng Eeman [Paniniwala]: Na ang Allah at ang Kanyang Sugo ang kanyang pinakamamahal nang higit kaysa sa iba, at kanyang mamahalin ang isang tao na hindi niya minamahal ito kundi alang-alang sa Allah, at kanyang kinamuhian na siya ay bumalik sa kawalan ng paniniwala matapos na siya ay iligtas ng Allah mula rito, tulad ng kanyang pagkamuhi na siya ay ihagis sa Apoy». (Al-Bukhari: 21 – Muslim: 43).

Matatagpuan ng isang Muslim ang tamis ng Eeman [Paniniwala], kapag kanyang kinamuhian ang pagbalik sa kawalan ng paniniwala, tulad ng kanyang pagkamuhi na siya ay ihagis sa Apoy.