Mangyaring tulungan kaming mapanatili at mapabuti ang aming gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon. Nawa'y gantimpalaan ka ng Allah.
Ang Mga Nakakasira sa Salaah:
- Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa di-pagsagawa sa isang Rukn (haligi ng Salaah) o Shart (patakaran), samantalang kaya niya itong isagawa, maging sinadya o nagkamali.
- Mawawalan din ito ng saysay dahil sa di-pagsagawa sa isa sa mga Wajib (kailangang gawain) sa Salaah nang sinasadya.
- Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa pagsasalita nang sinasadya.
- Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa Qahqahah, ito ay ang pagtawa na may tinig.
- Mawawalan ng saysay ito dahil sa mga walang kabuluhang paggalaw, kapag ito ay marami na magkasunud-sunod na hindi naman kanais-nais.

