Mangyaring tulungan kaming mapanatili at mapabuti ang aming gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon. Nawa'y gantimpalaan ka ng Allah.
Isinasatungkulin ang Umrah sa taong may kakayahan nang minsan sa tanang buhay
Ito ay ang pagtataguyod sa pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng Al-Ihram (pagpasok sa kalagayan ng Hajj), At-tawwaf (pag-ikot) sa palibot ng Kaabah nang pitong ulit, As-Sa`ey (paglakad) sa pagitan ng As-Safa at Al-Marwah ng pitong ulit, at pagkatapos ay ang pag-aahit o pagputol ng buhok.
Ang Hatol nito: Ito ay ipinag-uutos para sa lahat ng may kakayahan nang minsan sa tanang buhay, at kaaya-aya itong isagawa nang ilang ulit. Ang oras nito: Maaaring isagawa ito sa loob ng isang taon, nguni’t sa buwan ng Ramadan nagkakaroon ito ng kahigtang gantimpala. Batay sa sinabi niya ﷺ : «Ang isang Umrah sa Ramadan ay tumutumbas ng isang Hajj». (Al-Bukhari: 1764 – Muslim: 1256)