Kapag yumakap nagn sabay sa Islam ang mag-asawang di-Muslim: Sila ay mananatili sa kanilang kasal, kung hindi siya kabilang sa mga ipinagbabawal na mag-asawa sa kanya, sa pagiging isa siya sa kanyang Mahram, tulad siya ay kanyang kapatid na lalaki, o tiyuhin sa ama o tiyuhin sa ina (Tunghayan ang pahina: 223)
Datapuwa’t kapag yumakap sa Islam ang babae at tumangging yumakap sa Islam ang kanyang asawa:
Magkagayon, sa sandali ng kanyang pagyakap sa Islam, ang kasunduan sa kasal ay pinawawalang-bisa, at ang asawang babae ay maaaring pumili:
- Siya ay maaaring maghihintay hanggang ang kanyang asawa ay yumakap sa Islam, at nararapat niyang gawin ang lahat ng paraan at paanyaya sa Kanya sa pagpapaliwanag sa Relihiyong Islam at patuloy siyang manalangin sa Allah para sa kanyang patnubay, at kung yumakap sa Islam kahit matapos ang mahabang panahon, sa gayon siya ay makakabalik sa kanya batay sa unang kasal habang siya ay naghihintay sa kanya, datapuwa’t hindi ipinahihintulot sa kanya na hayaan niyang makipagtalik sa kanya hanggang hindi ito yumayakap sa Islam.
- At kung magagawa niya, maaari niyang hilingin ang diborsiyo kapag napag-alaman na niya na walang nang pag-asa sa paghihintay ng kanyang pagyakap sa Islam.
At sa dalawang kalagayan, hindi niya dapat hayaang makipagtalik sa kanya ang kanyang asawang hindi Muslim simula sa oras ng kanyang pagyakap sa Islam. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {At kung inyong napatunayan na sila ay naniniwala, magkagayon, sila ay huwag ninyong hayaang bumalik sa mga di- naniniwala. Sila (mga babaeng naniniwala) ay hindi pinahihintulutan para sa kanila (na maging asawa) at sila rin (mga di-naniniwala) ay hindi pinahihintulutan para sa kanila}. Al-Mumtahanah (60}: 1
At batay dito, tungkulin ng babae sa simula ng pagyakap niya sa Islam na gawin ang mga sumsunod:
- Sa simula ng kanyang pagyakap sa Islam, tungkulin ng babae na magmadali sa pag-aanyaya sa kanyang asawa sa Islam sa pamamagitan ng lahat ng mahuhusay na paraan at magandang pangangaral.
- Kung tumanggi ang asawang lalaki sa Islam at hindi siya nagtagumpay sa paghikayat nito matapos ang iba’t ibang pagsubok, at nawalan na rin ng pag-asa rito: Sa gayon, kailangan niyang magmadali at simulan ang mga alituntunin ng paghihiwalay at diborsiyo.
- Ang panahon na iginugugol sa mga alituntunin ng diborsiyo – kahit pa tumagal ito – ay itinuturing pa rin ang kasunduan ng kasal sa kanilang dalawa na isang kasunduang ipinahihintulot, samakatuwid kung kailan man yumakap sa Islam ang kanyang asawa sa panahong ito at kahit hanggang sa pagkatapos na ng Iddah ay babalik siya sa kanya sa unang kasunduan, at kapag natapos ang mga alituntunin, magkagayon katotohanang ang kasunduan ay nawalan na ng bisa.
- Ipinahihintulot sa babae ang manatili sa tahanan ng kanyang asawa sa panahon ng paghihintay bago matapos ang mga alituntunin ng diborsiyo, at ipinagbabawal sa kanya na makipagtalik sa kanyang asawang di-Muslim simula ng kanyang pagyakap sa Islam.

